147
ABANTE TNT bi immigration philippines operation
Feb 11, 2019 @ 14:14
By

BI inaaral ang pag-blacklist sa Chinese na nagsaboy ng taho

Nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Immigration (BI) sa Department of Transportation (DOTr) at National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa inasal ng isang Chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis sa MRT station.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, maari silang umaksyon o kusang magsagawa ng imbestigasyon kahit walang naghahain ng pormal na reklamo laban sa dayuhang si Jiale Zhang.

Kung mapapatunayan umanong may mga paglabag sa Immigration law ang dayuhan, bukod sa mga kasong isasampa ng PNP ay maari ding ideklarang undesirable alien si Jiale at maisama sa blacklist ng BI para hindi na makabalik pa sa bansa.

Nakikipag-ugnayan na rin ang BI sa eskwelahan ng dayuhan at inaalam na kung ano ang estado ng kanyang student visa.

Si Jiale ang dayuhan na nabuwisit at nagsaboy ng taho kay PO1 William Cristobal sa MRT Station sa Boni Avenue kamakailan nang sitahin siya ng pulis dahil bawal ipasok ang taho sa MRT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?