20

Nov 28, 2020 @ 13:27
By

BI: Foreigner na umaalis sa ‘Pinas sumirit

Nagbabala ang Bureau of Immigration sa magiging epekto sa ekonomiya ng bansa matapos na mapansin ang pagdami ng mga banyaga na iniiwan ang Pilipinas.

Sa press briefing nitong Sabado, sinabi ni BI spokeperson Dana Sandoval na nagkakaroon ng ‘exodus’ sa mga foreigner na bumibiyahe palabas ng bansa.

Aniya, sa ngayon ay 2 milyon na ang naitalang departure sa mga banyaga na linisan ang bansa ngayong taon.

“For the first time in a long time, mas marami yung foreign nationals na umaalis kaysa dumadating,” lahad ni Sandoval.

“For 2020, nasa 1.5 million ang dumating [na foreigner], almost 2 million na ang umaalis ng bansa,” aniya pa.

Matatandaan na ilang buwan ding pinatupad ang travel ban sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ngayon ay unti-unti nang niluluwagan ang pagbiyahe abroad, kung saan simula December 7 ay papayagan na ang mga foreigner na may asawang Pinoy, pati ang mga anak nito, para makapasok sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,