11
bureau-of-immigration
By

BI alerto sa bulto ng biyahero sa mga airport ngayong labas na ang Ompong

Sharing is caring!

Ngayong nasa labas na ng bansa ang Bagyong Ompong, inatasan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga kawani nito sa mga international port partikular na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na paghandaan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero paalis at patungo ng Pilipinas.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, marami kasing mga flight na nakansela bunsod ng pananalasa ng Bagyong Ompong kaya asahan na rin ang pagdagsa ng mga naantalang byahero.

“A lot of flights arriving and leaving the Philippines have been cancelled due to the bad weather,” said Morente. “We expect that the number of travelers will surge once normal flight operations resume,” paliwanag ni Morente.

Samantala, pinaghahanda naman ni OIC Deputy Commissioner at Port Operations Division Chief Marc Red Marinas ang mga immigration officer sa mga airport sa posibilidad ng mas mahabang oras sa trabaho.

“This is the sacrifice of working in airport operations. We work rain or shine. During past typhoons, some of our officers would wade through floodwater just to be able to report to work,” saad ni Marinas.

Ang bagyong Ompong na pang-limang bagyo na pumaspok sa Pilipinas ngayong taon ay ganap na nakalabas ng Philippine Area of Responsibility dakong alas-9 ng Sabado, Setyembre 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?