30

May 1, 2020 @ 15:54
By

BHWs sa Nueva Ecija binigyan ng PPEs

Pinagkalooban ng personal protective equipments (PPEs) ang mga barangay health workers ng Nueva Ecija upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Ayon kay NE 1st dist. Rep. Estrellita Suansing aabot sa 300 PPEs na naipamahagi sa 17 Rural Health Units, at sa mga health workers sa Talavera General Hospital.

Batid umano ni Suansing ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga barangay health workers na mga unang humaharap sa mga posibleng naapektuhan ng coronavirus disease bago pa man masuri sa mga ospital o pagamutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?