193

Aug 22, 2018 @ 14:10
By

BGC, sa Makati ‘yan – Binay

Muling iginiit ni Makati City Mayor Abigail Binay na ang ilang barangay sa Taguig City, kabilang na ang Bonifacio Global City (BGC), ay nasa hurisdiksiyon ng Makati City.

Paliwanag ng alkalde, ang koneksiyon ng Taguig sa BGC ay parang “butete”, mas napapaligiran ito ng mga barangay sa Makati na malayo sa Taguig.

“‘Yong Kalayaan (Avenue), Makati po ‘yan, ang po ‘yan. ‘Yong C-5, Makati po ‘yan,” sabi ni Binay sa mga mamamahayag sa Kapihan sa Manila Bay forum.

“Yong nasa gilid (ng BGC), Makati ‘yon, kaya para siyang butete. Ganun ang itsura if you look (at) it on the map. ‘Yung Taguig, malayo pa,” dagdag pa nito.

Ang nagkokonekta lang umano sa Taguig sa BGC ay ang Southern Police District, at karamihan ay Makati na.

Matatandaang pinangunahan noong 2013 ni dating Mayor Jejomar Binay Jr., ang pakikipaglaban para sa karapatan sa BGC dahil ang mga residente umano sa barangays north at south ng business district ay bumoto sa Makati.

Pero ibinasura ang apela ng Makati at ibinigay ng Court of Appeals ang karapatan sa BGC sa Taguig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?