54

Apr 16, 2020 @ 16:11
By

BFF tayo! ‘Pinas uunahin ng China ‘pag nakahanap ng gamot sa COVID – Palasyo

Dahil umano sa magandang relasyon ng dalawang bansa, umaasa ang Malacañang na una sa listahan ang Pilipinas sakaling makahanap ng gamot ang China sa COVID-19.

“Inaasahan natin dahil BFF (Best Friends Forever) naman tayo ng China na ‘pag sila nagkaroon ng gamot na ganyan eh unahin naman nila tayo,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Alangan naman unahin pa nila ‘yung mga kalaban nila,” aniya pa.

Sa ngayon ay wala pang natutuklasang gamot para sa COVID-19, ngunit ilan ang sinusubukan ngayon tulad ng convalescent plasma therapy at ang anti-malarial drug na hydroxychloroquine.

Nitong Lunes ay sinabi ni Pangulong Rodrogio Duterte na patuloy ang pagsasagawa ng China ng gamot para sa COVID-19.

“I would like to thank President Xi Jinping for his support. Kung galing ng China, wala kayong problema,” ayon sa Pangulo.

“If China catches up with them, okay na. Then, maybe a miracle will happen and civilization is back on its feet. That is how I see it,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?