23

May 1, 2021 @ 18:08
By

BFF sinakyod ng 3 beses sa dibdib

Todas ang isang lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang matalik na kaibigan habang nag-iinuman sa Barangay San Nicolas, Vigan City, Ilocos Sur noong Biyernes.

Kinilala ng Vigan City Police Station (VCPS) ang biktima na si Leonard Mahilom, 29, ng Candon City.

Samantala, ang suspek ay si Christopher Gabor Jimenez, 27, matalik na kaibigan ng biktima, ng Barangay San Nicolas, ng nasabing siyudad.

Sa report, ayon sa VCPS, bago ang insidente, nag-iinuman ang dalawa (biktima at suspek) at sa hindi malamang dahilan, biglang nag-away ang magkaibigan hanggang humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa kanila pagtatalo, biglang bumunot ng patalim ang suspek at sinakyod ng tatlong saksak sa dibdib si Mahilom sanhi ng pagkamatay nito bago dumating ng ospital.

Agad namang sumuko sa pulisya si Jimenez na nakakulong ngayon sa VCPS jail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?