111

Oct 21, 2020 @ 23:24
By

BFF pinalo ng walis tingting, patay

Napatay ng isang lalaki ang kanyang kaibigan gamit ang walis tingting sa Pangasinan.

Ayon sa ulat sa GMA Regional TV, nagalit at kinompronta ng biktimang si Rolly Arozza, 25, ng Barangay Ligue, Bayambang, Pangasinan, ang kaibigang suspek na si Orland Aranio dahil sa malakas na pagpapatugtog nito ng radyo.

Nauwi sa pagtatalo ang dalawa kung saan pinagpapalo ng suspek ng walis tingting sa ulo at leeg ang biktima.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima dahil sa pinsalang tinamo sa ulo.

Hindi raw sinasadya ng suspek na mapatay ang kaibigan at tinulungan pa raw niya ang biktima nang bumagsak at pinainom ng tubig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?