398

By

BFF/PA ni Jake Vargas na si Jabo Allstar, wish makapasok sa PBB

Sharing is caring!

Si Jabo Allstar ay isang talent na nangangarap makapasok sa Pinoy Big Brother.

Sumabak siya sa matinding audition dito, ang Starhunt ng ABS-CBN na out of 60 thousand auditionee ay umaasam na palarin at makatungtong sa Bahay ni Kuya.

Bakit niya naisipang sumali sa PBB and mahirap ba ang audition?

“Yes po mahirap, sobrang hirap po sa audition, ang daming tao pero nalampasan ko naman po yung mga mall audition, 47 thousand plus, lahat-lahat,” saad ni Jabo.

Dagdag pa niya, “Sumali po ako sa PBB kasi siyempre gusto kong makatulong sa magulang ko at sa mga may kapansanan. Kasi iniisip ko paano kung ako yung nandoon sa kalagayan nila? Kaya gusto kong sumikat at makapag-ipon para tumulong sa mga nangangailangan.”

Si Jabo ay isang talent na nakalabas na sa mga TV series na ‘Asintado’, ‘Maynila’, ‘Wildflower’, ‘La Luna Sangre’, ‘Ang Probinsyano’, ‘Sunday Pinasaya’, at iba pa.

Pero ang unang show niya ay ang ‘Oh My Mama’ na pinagbidahan ng Kapuso actor na si Jake Vargas. Matagal na silang magkakilala ni Jake, mula pa noong 2012 at si Jake rin ang nagbigay sa kanya ng chance na maging talent sa show na ito. Mula roon, naging BFF at parang PA na rin siya ni Jake.

Paano siya naging PA ni Jake ? “Nagkakilala kami sa computer schop, actually naging kaibigan ko siya at isinasama-sama lang niya ako sa taping, hanggang sa natulungan niya akong magkaroon ng show.”

Paano niya ide-describe si Jake? “Sobrang bait niya, mabait siyang kasama…

Sagot niya lahat, sa kanya rin ako nakatira at wala akong binabayaran, ganoon siya kabait,” sambit pa ni Jabo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?