46

Apr 11, 2020 @ 20:41
By

BFF ni Elvis Presley, pumanaw sa edad na 81

Isang matalik na kaibigan ni King of Rock n’ Roll Elvis Presley ang namatay.

Pumanaw si Guy Harris noong Abril 6 matapos maospital noong Disyembre 2019, ayon sa ulat ng Miami Herald.

Sabay na lumaki sina Harris at Presley sa Tupelo, Mississippi at nanatiling magkaibigan hanggang sa mamatay ang singer dahil sa atake sa puso noong 1977.

Mula noon ay naging historian si Harris sa Elvis Presley Birthplace and Museum.

Hindi tinukoy ang dahilan ng pagkamatay ni Harris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?