15

Sep 17, 2020 @ 20:03
By

BFAR: Mababang oxygen level, pumatay sa mga isda sa Manila Bay

Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Huwebes na nangamatay ang may sampung kilo ng isda at naglutangan sa Manila Bay dahil sa mababang antas ng dissolved oxygen.

Lumabas anila sa ginawang pag-iimbestiga sa kinuhang water samples sa Baseco na may mababang level ito ng dissolved oxygen na 0.11 milligram kada litro (mg/L).

Ayon sa BFAR, dapat may sapat na 5 mg/L na dissolved oxygen ang dagat.

“Based on the report, at 5:00 in the morning on September 15, 2020, residents found fishes such as biya, kanduli, asohos, and tilapia gasping for air following a heavy rainfall, which lasted almost a day,” saad sa pahayag ng BFAR.

“The result of the water quality testing in the Baseco Area indicated a very low level of dissolved oxygen (DO) at 0.11 mg/L. The acceptable level for marine waters is 5 mg/L,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?