282

Oct 8, 2017 @ 12:34

BF ni Jackie Rice, agaw-pansin sa simbahan

Marami talaga ang mga artistang deboto ng Our Lady of Perpetual Help sa Redemptorist church sa Parañaque City. Tuwing madaling-araw ng Miyerkules hanggang kinagabihan nito ay patuloy na dumadagsa ang mga celebs upang magdasal, kahit walang idinadaos na misa sa oras nang pagdalaw nila sa simbahan.

Si Vice Ganda ay pumupunta rin kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nakasabay namin minsan si John ‘Sweet’ Lapus na mag-isa pagkatapos niyang magsindi ng mga kandila, gano’n din ang aming kapatid sa panulat na si Rey Pumaloy. Maging ang dating sexy star na si Katrina Paula ay nakabatian din namin.

Ang asawa ni former Senator Jinggoy Estrada na si Precy Ejercito kasama ang kanyang kaibigan ay madalas din namin makitang nagdadasal doon.

Kahit si Gretchen Barretto rin ay dumadalaw sa Baclaran church. Minsan ay nasa harapan pala namin si Jackie Rice with her non-showbiz boyfriend na pinagtitinginan ng mga tao, dahil din siguro sa guwapo ang jowa niya.

Si Madame Imelda Marcos ay nagpupunta pa rin, tulad last 2 Wednesdays ago.

Naloka lang ang ilan nang makita nila si Tessa Prieto-Valdes na postura, as always, wearing a hat (maliit man o malaki) as one of her trademarks na nagpalitrato raw sa harap ng altar, with her friend, na bigla raw humila ng isang tao na hindi yata nila kakilala mula sa mahabang pila sa kanang gilid na nais makahawak sa altar na pinakiusapan nilang mag-picture sa kanilang dalawa. (FRANCE SIMEON)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?