2,186

By

BF ni Andi Eigenmann kinabahan kay Jaclyn Jose

Inamin ng surfer boyfriend ni Andi Eigenmann na nakaramdam siya ng takot nang dumating ang araw na kailangan na niyang makaharap ang ina ng aktres na si Jaclyn Jose.

Kuwento ni Philmar Alipayo sa June 16 episode ng “Magandang Buhay”, humantong pa ang kanyang kaba sa panaginip kung saan ang eksena aniya ay nagagalit sa kaniya si Jaclyn habang siya ay naiyak.

“Sobrang kaba. Minsan nga napapanaginipan ko, e. Bago ko nakilala ‘yung mommy niya,” sabi ni Philmar.

Nung una umano niyang nakilala si Jaclyn ay may takot siya pero nung pangalawang pagkikita nila ay okey na siya.

Depensa naman ni Andi, “Kasi mabait naman ‘yung nanay ko. Mukha lang siyang masungit, pero super-bait ng mom ko.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?