50,158

Apr 10, 2020 @ 19:54

BF Homes may pinakamaraming COVID-19 case sa Parañaque

Sa nilabas na listahan ng kaso ng coronavirus sa bawat barangay sa Parañaque City, lumalabas umano na may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Barangay BF Homes.

Batay sa impormasyon na nilabas ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, sa datos noong Abril 8 mayroon na umanong 26 na kaso ng COVID-19 sa BF Homes.


Pumangalawa ang Brgy. Don Bosco na may 25 na COVID-19 case na sinundan ng Brgy. San Antonio na may 17 kaso.

Dahil dito, mahigpit pa rin umanong ipatutupad ang mga polisiya sa enhanced community quarantine sa lungsod.

Mas maghihigpit na rin umano ang pamunuan ng BF Homes sa mga polisiya nito para mapigilan ang pagkalat ng virus. Kabilang dito ang hindi pagpapasok sa mga food delivery na galing sa labas ng barangay. Maaari lang umano makuha ang item sa mga gate.

Hindi na rin makakapasok ang mga hindi residente kahit pa may hawak itong red sticker mula sa BF Federation of Homeowner Association.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?