16
beyonce

Beyonce, pasabog sa Coachella

Sharing is caring!

Gumawa ng kasaysayan si Beyonce bilang unang black woman na naging headline sa Coachella dahil sa naging performance nito kabilang na ang sorpresang Destiny’s Child reunion at pag-apir ng asawa niyang si Jay-Z at kapatid na si Solange.

Sinamahan nina Destiny’s Child members Kelly Rowland at Michelle Williams si Beyonce na kinanta ang sikat nilang “Say My Name” sa Coachella Valley Music and Arts Festival na ginanap sa Indio, California.

Mukhang nasabik ang mga fan matapos i-postpone ni Beyonce ang kanyang pagpunta sana sa festival noong nakaraang taon dahil buntis siya noon sa kambal na sina Sir at Rumi.

Binuksan ng R&B singer ang seremonya sa pag-indak sa 2003 hit niyang “Crazy in Love” kung saan panay ang hiyawan ng mga nanood sa festival.

Nag-perform din siya ng “Lift Every Voice and Sing”, na kilalang “black national anthem”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?