Beyonce, 2017’s highest-paid music artist

Sharing is caring!

Ang hit album ni Beyonce na “Lemonade” at ang kanyang world tour ay naglagay sa kanya bilang highest paid na woman music artist nitong 2017.

Ayon sa Forbes magazine, naungusan ni Beyonce ang Britanyang si Adele at ang pop star na si Taylor Swift.

Kumita ang R&B singer ng $105 million sa record sales at sa kanyang “Formation” concert tour.

Bukod diyan, patok din si Beyonce sa kanyang Ivy Park fashion line at iba pang business interests.

Second place si Adele sa kanyang kinita na $69 million mula sa mga concert tours kahit na wala siyang major product endorsement.

Si Swift na nanguna noong nagdaang taon sa kinitang $170 million ay kumita lamang ngayong taon ng $44 million mula sa kanyang world tour concerts.

Nasa fourth sport naman si Canadian superstar Celine Dion na may $42 million ana kinita mula sa mga concert nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?