329

Mar 7, 2018 @ 16:55
By

Bettina Carlos wagi ng P100K sa SM

Napakasuwerte ni Bettina Carlos na nag-shopping lang sa SM department store at sa dinami-rami ng mga shopper, lumabas talaga sa resibo niya na siya ang nanalo ng P100,000 GC. Hindi raw talaga siya makapaniwala.

“As in. Napalunok ako na napaupo na shock ng grabehan. Muntik na kong manghingi ng tubig. OA sounding but I was beyond surprised. In disbelief na nga eh. Bakit naman ako mananalo eh wala naman akong sinalihan! I didn’t know they have such promo. Apparently only one every quarter wins,” sey ni Bettina.

Christian si Bettina at faithful din siya sa pagbibigay ng ikapu o tithes. Hindi raw niya alam paano mag-tithes sa klase ng blessing na dumating sa kanya. Kaya ang naisip niya, ibigay sa mapipili niyang followers niya ang P10,000 worth of GC base siguro sa makikita niyang pangangailangan ng mga ito. Way na rin niya ito ng thanksgiving dahil sa ika-7th birthday ng anak na si Gummy.

Hindi matapos ni Bettina ang pagbabasa ng mga comments kaya nakiusap pa siyang the following day na niya pipiliin ang pagbibigyan. Anyway, si Bettina ang isa sa mga artistang hindi naman nawawalan ng mga teleserye, pero mas pinili niyang mag focus at maglaan ng mas maraming oras sa anak, sa kanyang faith at negosyo.

Sa ngayon, more on hosting job ang pinagkakaabalahan niya at ilang endorsement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?