20

Dec 3, 2020 @ 13:07
By

Bettina Carlos kinasal na!

Kinasal na si Bettina Carlos sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikki Eduardo.

Sa Instagram stories, pinakita ng kapatid ng aktres na si Alison Brandon ang mga larawan sa outdoor garden wedding.

Pinakita rin ni Alison ang videos ng bagong kasal sa aisle, ang first kiss, at pagpasok nila sa reception.

Samantala, wedding bouquet naman ang binida ni Bettina sa kanyang IG account.

“This is THE DAY that the Lord has made!,” sey niya pa kalakip ang hashtags #KasalangBeKki2020 at #BeKki.

Nito lang Oktubre inanunsiyo ni Bettina na engaged na siya kay Mikki.

Noong Agosto naman, sinabi ni Bettina ni si Mikki ang “sagot sa mga dalangin ko” at “perfect” para sa kanilang mag-ina. Single parent si Bettina kay Gummy mula pa 2011.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?