205

Sep 10, 2021 @ 17:48
By

Beth Tamayo momshie na

Momshie na ang dating aktres na si Beth Tamayo.

Inanunsyo niya ang pagsilang sa unang anak nila ng mister na si Adam Hutchinson noong August 29.

Excited ang baby girl nilang si Sloane Isabelle dahil masyado raw maaga ang paglabas nito sa tiyan.

Sa September 24 pa daw inaasahang manganganak si Beth, na first-time mom sa edad na 43.

“I know we’re late but here she is! Sloane Isabelle Tamayo Hutchinson! Born Sunday Aug 29th and 3 weeks early! Yep, she just can’t wait!” caption ng dating aktres.


Nakatira sila sa San Francisco, California at ikinasal noong March 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: