11

May 16, 2021 @ 15:40
By

Beteranong sportscaster Marv Albert, magreretiro na

Nakatakda ng nagretiro ang beteranong sportscaster na si Marv Albert, ayon sa ulat ng New York Post nitong Linggo.

Tatapusin lamang daw ni Albert ang NBA Eastern Conference Finals bago tuluyang lisanin ang mundo ng pagiging sportscaster.

Nagsimula ang karera ni Albert noong 1963 sa WCBS Radio kung saan ang laro sa pagitan ng New York Knicks at Boston Celtics ang kanyang kinover.

Mula dito ay naging tanyag na NBA commentator si Albert at naging sportscaster din sa college basketball, boxing, horse racing at maging sa iba’t-ibang palaro sa Olympics.

Si Albert ay parte ng National Sportscasters and Sportswriters Association Hall of Fame at tumanggap ng Curt Gowdy Media award mula sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame.

Sa susunod na buwan ay magiging 80-anyos na si Albert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?