468

Dec 15, 2017 @ 18:29
By

Beteranong komedyante wagi ng P35M sa casino

Suwerte naman ng veteran comedian na ito na identified sa isang sikat na TV show, huh! Hindi naman kaila na nagka-casino ito, pero malaking suwerte ang dumating sa kanya lately dahil nanalo pala ito ng 35 million pesos sa slot machine ng isang kilalang hotel/casino.

Sa sobrang pagkabigla nga raw ni comedian, napaiyak pa ito. Nabuking ang suwerteng dumating kay comedian nang mag-stay ang isang kilalang showbiz personality sa nasabing hotel/casino.

Nagtanong daw kasi ang kilalang showbiz personality kung ano ang puwede niyang gawin sa lugar na ‘yon dahil ilang araw rin silang naka-check-in doon.

“Aside from shopping, puwede kayong maglaro sa casino,” sey raw ng kausap ni kilalang showbiz personality.

“Hindi naman ako marunong maglaro, eh,” sagot ni kilalang showbiz personality sa kausap at sinabi naman nito sa kanya na, “Puwede po kayong mag-slot machine, madali lang naman ‘yan!”

“Slot machine? May nananalo ba sa paglalaro sa slot machine? Ay, naku, mauubos lang ang pera ko riyan!” sabi pa ni kilalang showbiz personality.

“Naku, ma’am, hindi po. Si (pangalan at apelyido ni veteran comedian), nanalo. Suwerte dahil naka-jackpot siya ng 35 million (pesos)! Naiyak nga po siya sa pagkabigla, eh!” sabi pa raw ng kausap ni kilalang showbiz personality.

Nanlaki ang mga mata ni kilalang showbiz personality sa narinig na suwerteng dumapo kay veteran comedian at sabi niya ay, “Ituro mo nga sa akin ang machine kung saan nanalo si (veteran comedian), baka manalo rin ako. Pero, teka! Baka hindi na magbigay ng jackpot dahil nakuha na ang 35 million (pesos). Ibang machine na lang!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?