162

Jan 10, 2021 @ 11:26
By

Beteranong komedyante mamamatay sa 2021

Dalawang showbiz personality ang nakikitang papanaw ngayong 2021.

Sa predisyon ng psychic na si Bro. Arman Cuban sa programang ‘Diskusyon’ ng Abante Radyo Tabloidista, sinabi nito na isang komedyante at isang beteranang aktres ang tatawid sa kabilang-buhay ngayong taon.

Aniya, parehong may edad na ang dalawang personalidad na masasawi.

“Nakikita lang yan sa mga drama-drama, may edad na,” paglalarawan ni Bro. Cuban sa aktres na kanyang nakikitang papanaw.

Bukod sa showbiz, tatlong politiko naman ang nararamdaman ng psychic na sasakabilang-buhay ngayong taon.

“Isang senador, isang congressman at isang mayor. Pero itong mayor, nasa probinsya po ito,” lahad ni Cuban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?