66

By

Beteranong direktor Mel Chionglo, pumanaw

Sumakabilang-buhay ang veteran director-writer na si Carmelo “Mel” Chionglo nitong Sabado ng umaga sa edad na 73.

Ilang celebrities at mga kaibigan ni Chionglo ang nakiramay sa pagpanaw ng direktor gaya nina director Joey Javier Reyes at government official Liza Diño-Seguerra.

Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Humanities degree sa Ateneo de Manila University.

Una siyang naging production designer sa “The Rites Of May” (1977) sa ilalim ni director Mike De Leon.

Ang directorial break niya ay sa “Playgirl” ng Regal film noong 1981.

Ilan sa mga kilalang pelikula ni Chionglo ang “Iadya Mo Kami” at “Lauriana”.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?