33

By

Beteranong Blakely sasalo sa TNT

Sharing is caring!

Kasado na si Marqus Blakely bilang bagong import ng TNT Katropa.

Kinumpirma ito ng TNT manager na si Virgil Villavicencio na ang dating import ng Purefoods ay tuluyang papalitan ang kasalukuyang reinforcement ng TNT na si Stacey Davis.

“Oo. Totoo na ito,” sabi ni Villavicencio.

“Hindi naman bago si Blakely sa PBA. He’s a veteran already. So I don’t think adjustment will be a problem.”

Naging resident import ng si Blakely ng Purefoods hanggang 2016. Nakuha niya ang Best Import award noong 2013 at naibuhat niya ang team sa Grand Slam crown noong 2014.

Unang makikita si Blakely sa uniporme ng TNT sa darating na Setyembre 22 laban sa Rain or Shine, kung kaya’t marami pa siyang oras para makapaghanda sa team.

“Sa 22 pa kami lalaro. So mas mahaba time ng preparation namin with Blakely. We are hopeful that he can help us turn around this conference from a slow start,” sinigurado ni Villavicencio.

Ikinagulat naman ng ibang fans ang biglaang pagpirma ni Blakely sa TNT sapagkat nakasanayan na nilang nakikita ang import Purefoods.

Gayumpaman, susubukan niyang i-salvage ang TNT mula sa kanilang pangit na simula sa kumperensya matapos magtala ng 2-4 na kartada lamang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?