70

Jan 15, 2018 @ 23:00
By

Beteranong aktor adik sa beauty contest, bading?

Marami sa production staff ang naloloka sa hilig ng isang beteranong aktor na up to now ay pinagdududahan pa rin ang kulay ng kanyang dugo, huh!

Impit na tawanan at sikretong tsismisan ang nangyayari matapos nilang matsika ang tanders na aktor dahil during break time, ang hilig nitong pag-usapan ay ang tungkol sa beauty contests.

Walang bahid ng malisya ang tsika nito dahil never naman daw nitong pinag-usapan kung mahilig ba siya sa beauty queens o naeelya ba siya sa kaseksihan ng mga ito.

Kundi ang gusto nitong pag-usapan ay kung sino ang mga choices nila sa mga bagong batch ng beauty queens, kung sino ang dapat ipadala sa ganito o ganyang international pageant.

O, devah? Siya mismo ay magaling mag-categorize ng ating mga ipi-field sa taon na ito at malaki ang panghihinayang niya sa mga deserving candidates natin na nabokya noong nakaraang taon.

Kakaloka nga rin ang kuwento sa kanya na noong ginaganap daw ang Miss U 2017, ay na-late raw ito sa taping dahil ang dahilan nito ay hindi traffic o kung ano pa man, kundi dahil nga tinapos pa nito ang final announcement ng Miss U.

Kalurks nga naman, Ha! Ha! Ha! (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?