70

By

Beterano ng UST, pinakitaan ang mga rookie

Pinatunayan ng mga beterano sa UST Growling Tigers na masasandalan sila sa oras na kailangan sila.

Muling nakapanalo ang UST Growling Tigers laban sa FEU Tamaraws, 78-70, nitong Linggo sa Mall of Asia Arena.

Bagama’t nagpapakitang-gilas na ang mga rookies ng UST ngayong season, pinakita nina Marvin Lee at Zach Huang na malaking banta pa rin sila na dapat pigilan

Silang dalawa ang naging dahilan kung bakit nagpakawala ng 13-5 run ang UST sa final period, kung saan hindi na muling nakabawi ang FEU.

“Motivated lang kami. Kasi noong last season wala pa talaga kaming panalo sa FEU, so it’s a statement [win],” paliwanag ng fourth-year forward na si Zach Huang na nagtala ng career-high 20 points at six rebounds.

Swak din sa timing ang pag-angat ng laro nina Huang at Lee dahil noong 2016 at 2017 ay tila hirap sila makakuha ng tsansa dala na rin sa sunod-sunod na pagkatalo.

Kung kaya’t sulit ang kanilang sakripisyo para sa UST, dahil bukod sa dalawang sunod na panalo sa FEU ngayong season, nakatikim muli ang Growling Tigers ng tatlong sunod na panalo simula pa noong 2015.

Kahit na silang dalawa ang naging sandigan para sa UST, naniniwala ang fourth-year guard na lahat ay kasali sa tagumpay ng team.

“For me naman, wala namang veteran or rookie eh. Para sa amin, isa lang kami kaya namin mag-contribute para sa team,” paliwanag ni Lee na nagtala ng 16 points sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?