321
views

By

Beteranang aktres tsugi sa serye

Sharing is caring!

May malalim palang dahilan kung bakit hindi na masyadong napapanood ngayon sa isang malaking network ang isang magaling na female personality. Mula sa puso ang kanyang pag-arte, nakikiluhan sa kanya ang manonood, magaling talagang artista ang lola n’yo.

Maraming nagkaroon ng trabaho nang magkaproblema sa kanya ang produksiyon, maraming nakabakanteng bete­ranang artista ang nakinabang, sayang na sa­yang ang napakagandang oportunidad na ibinibigay sa kanya ng istasyon.

Kuwento ng aming source, “Nagpataas kasi siya ng presyo, sobrang taas na ng hinihingi niyang adjustment sa talent fee niya dati, kaya nagkaproblema sila ng production.

“Hindi lang naman kasi siya ang artista ng serye, ang dami-dami nila, kaya kung ganu’n kalaki ang hinihingi niya talent fee, hindi talaga kakayanin. Nakipagtikisan siya sa production, akala niya siguro, e, siya lang ang magaling umarte, kaya ‘ayun, nadiskaril ang usapan nila ng production.

“Nu’ng nakapag-isip-isip siya na sige, payag na siya sa adjustment na ibinibigay ng kausap niya, e, huli na ang lahat. Nakakuha na ng pamalit sa kanya ang staff at nakapagsimula na ng taping,” kuwento ng aming impormante.

Bukod sa mataas na talent fee na hinihingi ng beteranang aktres ay panay-panay rin ang paalala niya sa production tungkol sa kanyang cut-off.

“Malinaw naman ang usapan nila sa oras, ipina-pack-up naman siya sa oras na pinagkasunduan nila, pero sige-sige pa rin ang pagpapaalala niya. Nakaka-stress nga naman ang ganu’n!

“May running joke tuloy tungkol sa ganu’n ngayon, ang kasabihan, ‘Huwag makulit, para hindi ma-delete!’

Sayang na sayang, ang galing-galing pa naman ni lola!” pagtatapos ng aming source.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?