29

By

Best team sa East? Mga netizen inaabangan ang Butler-76ers

Sharing is caring!

Natapos na ang drama sa pagitan ng Minnesota Timberwolves at four-time All-Star Jimmy Butler.

Ngayong araw ay nagkahiwalay na ng landas ang dalawang panig, pormal nang inilipat ng Timberwolves si Butler, kasama si Justin Patton, sa Philadelphia 76ers kapalit nina Dario Saric, Robert Covington, Jerryd Bayless at 2022 second round pick.

At dahil kilalang perennial contender sa East ang 76ers, hindi mapigilang magbunyi ng ilang sports fanatic dahil may tsansa nang maging championship contender ang koponan sa kanilang sariling bersyon ng ‘Big Three’, sina Butler, Joel Embiid at Ben Simmons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?