711

By

‘Best SEAG organizer’, press release ng PHISGOC – PNA

Nilinaw ng Philippine News Agency (PNA) ang istoryang naka-post sa kanilang website na may pamagat na “Asian award body hails Phisgoc as ‘best SEAG organizer’”.

Anang PNA, nakabatay ang istorya nila noong Disyembre 4 sa press release ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Pahayag ito ng PNA matapos humakot ng sari-saring reaksyon sa social media ang istorya na binigyang kredito ng http://esquiremag.ph sa government official news agency.

Kaugnay ang balita sa paggawad noong Miyerkoles sa PHISGOC bilang “Best SEA Games organizer” ng Sports Industry Awards Asia (SPIA) dahil sa matagumpay na pag-organisa ng 56 sports at 530 events, ang pinakarami sa kasaysayan ng biennial meet.

Ngunit napuna ng mga netizen sa official website ng SPIA, na isa ang PHISGOC sa supporter ng event kung saan binigay ang award.

Tingin ng mga netizen ay tila binigay lang ng PHISGOC ang award sa kanilang sarili lalo pa’t walang nilabas na criteria para sa award.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?