804
P5M fuel susunugin sa P50M kalderong ginto – Cayetano

Best SEAG organizer daw? Hindi kami bobo – mga netizen sa Phisgoc-Cayetano

Ginawaran nitong Miyerkoles ang Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) bilang ‘Best SEA Games organizer’ ng Sports Industry Awards Asia.

Ito’y dahil umano sa matagumpay na pag-organisa ng 56 sports at 530 events, ang pinakarami sa kasaysayan ng biennial meet.

Tinanggap ni Phisgoc chair Alan Peter Cayetano at Phisgoc COO ang award mula kay SPIA CEO Eric Gottschalk at pinangakong mas pagbubutihin pa ang trabaho para sa nalalabing araw ng SEAG.

Ngunit may nasilip ang mga netizen sa nasabing award.

Sa official website ng SPIA, mababasa na isa ang Phisgoc sa supporter ng event kung saan binigay ang award.

Tingin tuloy ng mga netizen ay tila binigay lang ng Phisgoc ang award sa kanilang sarili, lalo pa’t walang nilabas na criteria para sa award.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?