794

Dec 5, 2019 @ 19:02
By

Best SEA Games organizer award, gawa-gawa lang

Sa pormal na mga nanalo sa 2019 awards ng Sports Industry Awards Asia, hindi makikita ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee sa listahan bilang Best SEA Games organizer.

Kahit nga ang nasabing award ay hindi rin kasama sa mga ibinibigay ng award-giving body.

Ngunit ito ang pinalabas ng Phisgoc na naglabas ng press release na may titulong ‘PH hailed as Best SEA Games organizer’ na sinabing inabot ni SPIA CEO Eric Gottschalk kina Phisgoc chair Alan Peter Cayetano at Phisgoc COO Ramon Suzara na ginanap sa Grand Hyatt Hotel nitong Miyerkoles.

“SPIA CEO Eric Gottschalk personally handed the award to PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano and PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara during the conference organized by SPIA Asia in Grand Hyatt Hotel,” ayon sa press release.

Nalimbag din ito sa government-owned na Philippine News Agency, na ngayon ay burado na sa kanilang website.

Kung titingnan ang video na nakapaskil sa Facebook ni Cayetano, makikita na hindi binigay ang ‘Best SEA Games organizer award’, kundi special recognition para sa sports personality of the year kung saan isa sa recipient ay ang House Speaker dahil sa pag-organisa ng SEA Games.

Nag-comment si Gottschalk ukol dito kung saan nasabi niyang best Southeast Asian Games ang edisyon na ito,

“It’s a staggering of 57 sports and that’s 20 sports more than any of the 29 editions before, and when I heard the latest number this evening there are already 47 gold medals awarded to the Philippines,” ayon sa SPIA CEO.

“These are, by far, the best Southeast Asian Games so far ever,” saad pa.

Kung titingnan ang website ng SPIA, SPIA Asia Excellence Award ang ginawad sa Phisgoc at sa mga nakaraang edisyon din ay walang binibigay na ‘Best SEA Games organizer’ award sa mga nagdaang edisyon ng biennial meet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?