34

‘BEST Philippines’ team selection sa PCA

Tuloy at walang aberya ang isasagawang FINIS Short Course Swimming Championships 2019 sa Disyembre 14-15 sa Philippine Columbian Association (PCA) sa Plaza Dilao sa Paco, Manila.

Ayon kay Swim Pinas executive at BEST Philippines official Joan Mojdeh, walang katotohanan ang napaulat sa social media na hindi tuloy ang dalawang araw na torneo at iginiit na marami nang club at swimming group ang nagpadala ng kanilang intensyon na maging bahagi ng kompetisyon na bahagi ng malawakang grassroots sports program ng BEST Philippines at Swim Pinas.

“Tuloy na tuloy po tayo. Huwag po nating pansinin ‘yung mga nababasa sa social media na kanselado ang kompetisyon natin. All system go po tayo at makipag-ugnayan lang po kayo sa ating mga organizer,” pahayag ni Joan, ina ng age-group internationalist na si Micaela Jasmine Mojdeh at isa sa ambassador ng FINIS.

Ang torneo ay itinuturin ding 5th BEST Swim Challenge, 7th Leg SLP Series at 1st Leg ng Swimming Pinas Membership Selection.

“Ang tournament po natin ay selection din po ng bagong batch ng Swim Pinas at qualifying para sa mga member ng team na ilalaban natin next year sa Japan at Thailand competition,” sambit ni Mojdeh.

Para sa mga interesadong lumakok, bukas pa ang pagpapatala at ipadala ang team entry sa swim4dbest.entries@gmail.com.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa 0932-788-5215 at 0915-287-3829.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?