67

By

Best Import Harris giniba ang Magnolia, Alaska nakahinga pa

Walang sagot ang Magnolia Hotshots sa pag-arangkada ni Alaska Aces reinforcement Mike Harris na ibinulsa ang 100-71 win sa Game Three ng PBA Governors’ Cup finals, nitong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo.

Kasabay ng magandang performance, kumamada ng 36 puntos at 18 rebounds para sa tropa, ay ang paghirang din sa kanya bilang Best Import para sa conference.

Umabot pa ang lamang ng Aces sa 34 sa isang yugto ng laro, 83-49, at hindi na nakabalikwas ang Hotshots para makalapit at gawing kapana-panabik ang laban.

“Overall, the story of the game in the first three quarters was we made a bunch of shots and we didn’t turn the ball over,” saad ni Alaska coach Alex Compton.

Maliban kay Harris, umayuda rin si Vic Manuel ng 14 puntos at Simon Enciso na may 12 puntos.

Para naman sa Magnolia, si Romeo Travis ang nanguna sa kanyang 18 markers at tigtatlong rebounds at assists, habang si Mark Barroca naman ang tanging local na nakasampa sa double-digit na may 13 points.

Dahil sa panalo, nakahirit pa ng Game 4 ang Aces para makuha ang unang panalo, 1-2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?