263

By

Best game-winner? Tira ni Kawhi, nagpanganga sa mga NBA star

Marami nang mga kakaibang nangyari sa NBA, ngunit ang tira ni Kawhi Leonard na marahil ang maituturing na best game winner sa kasagsagan ng post-season.

Kahit mga ilang kasamahan sa NBA, hindi makapaniwala sa ipinasok na tira ni Kawhi para makaabante ang Toronto Raptors sa Eastern conference Finals.

Tabla ang laro, 90-all, nagtungo sa corner ang two-way player ngunit nakasunod ang 76ers center na si Joel Embiid.

Isang off-balanced shot ang napilitang pakawalan ng two-time Defensive Player of the Year. Pasok matapos ang apat na talbog. Laglag ang Philly.

Dahil dito, maraming mga NBA star ang pumuri sa kakaibang determinasyon na pinamalas ni Kawhi, iba ay sinasabing iyon ang ‘best game winning shot’ sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?