322

By

Best choice si Honasan – Andanar sa DICT position

Maituturing na isang alamat si Senador Gregorio Honasan kaya angkop na angkop umano ito sa kanyang bagong posisyon sa gobyerno, partikular ang pamunuan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na maganda ang managerial skills ni Honasan dahil mayroon itong background sa security management bilang mambabatas at dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Andanar, maraming kinakaharap na hamon ang bansa tulad ng cyber hacking at iba pang isyu sa pambansang seguridad kaya si Honasan ang “right choice” para sa posisyon.

“Hindi po tayo nag-iisa sa pagharap sa mga bagong challenges tulad po ng cyber hacking, the national security issues and si Senator Greg talaga ay the right choice, the best choice for that position,” ani Andanar.

Bukod dito, sinabi ng kalihim na si Honasan ay tinitingala ng maraming lingkod bayan, siya ay naging alamat dahil sa mga inilunsad na kudeta.

Papalitan ni Honasan sa DICT si Acting Secretary Eliseo Rio na humirit na tapusin muna ang kanyang nasimulan sa pagpapapasok ng 3rd telco sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?