30

By

BEST Center dribol sa Linggo

Isang kapana-panabik na BEST Center ang masasaksihan sa Linggo sa oras na ang dalawang top teams ng apat na divisions ay magbanggaan para sa Women’s Basketball League (WBL) crown sa dalawang court sa Xavier School.

Ang championship game ay gaganapin sa Jacinto Tiu competition court habang ang laro para sa third place ng Jacinto Tiu practice court.

Magbabakbakan ang Our Lady of Fatima University at Philippine Women’s University bandang 8:30 ng umaga para sa 25-under championship habang ang College of Saint Benilde at Polytechnic University of the Philippines ay magbabangaan para sa third place sa parehong oras.

Maghaharap naman ang De La Salle-Zobel at Chiang Kai Shiek University para sa titulo ng 18-under Competitive Division kasabay ng battle for third match ng University of Santo Tomas at Our Lady of Fatima University bandang 9:45 ng umaga.

11 ng umaga naman ang 18-Under Development championship sa pagitan Escuela de Sophia at Highway Hills Integrated School kasabay ng battle for third ng St. Scholastica’s College at St. Bridget School.

May isa pang championship game ang De la Salle-Zobel kontra St. Paul’s College-Pasig sa 13-under category habang ang third place ay paglalabananan ng St. Pedro Poveda College at Mirriam College bandang 11:45 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?