60

Dec 15, 2017 @ 15:07

BEST Center: 2 tropa ng CKSC sabak sa korona

Iginapang ng Chiang Kai Shek College (CKSC) ang dalawang tropa sa finals ng 30th Women’s Basketball league na inorganisa ng Best Center sa Linggo sa Jacinto Tiu courts, Xavier School.

Napakabagito pang CKSC dribblers pinisak nila ang kanilang kalaro buhat sa Miriam College, 61-26, nitong linggo para makasampa sa 13-and-Under championship match kontra De La Salle-Zobel, na nakaeskapo sa St. Paul College-Pasig, 44-41, sa iba pang semi-finals match dito sa torneo na isponsor ng Milo at backer ang Rain or Shine, Chris Sports at Sklz.

Magsasalpukan sila para sa makinang na tropeo, 12:15 p.m. sa Jacinto Tiu Competition Court.

Sumakay rin ang Chiang Kai Shek College’s 18-and-Under team para sa titulo sa Competitive Division sa bisa ng 62-36 giba sa De La Salle-Zobel isa semis. Haharapin nila ang La Salle College-Antipolo, na tinibag ang Pasig National High School, 45-24, para sa korona, 9:45 am.

Tinupi ng Quezon City Academy ang St. Stephen High School, 33-28, para sa karapatang sagupain ang New Era High School, na binakli ang La Salle College-Antipolo, 25-24, sa 18-and-Under Developmental Division final, alas-11 ng umaga.

Pinaluhod ng Polytechnic University of the Philippines ang Our Lady of Fatima University, 52-46, sa semis at didigahan ang Philippine Women’s University, na pinalis ang Pamatansan ng Lungsod ng Marikina, 61-42, sa final game ng 25-and Under category.

Si La Salle player Andrei Caracut, Best Center graduate mula Lucena City at ngayo’y gumagawa ng kanyang pangalan sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), ay ang hahatag ng mga tropeo sa mga kampeong koponan.

Ang tropang bigo sa kanilang kampanya sa semis ay raratsa para sa third place trophy sa Jacinto Tiu practice court kasabay habang sinasagupa ang ang salpukansa championship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?