198

Jan 31, 2020 @ 19:15
By

Beso-beso, handshake stop muna sa showbiz

Lumutang na ang unang biktima ng novel coronavirus sa bansa, ayon sa report ng Department of Health (DOH).

Siyempre, maging sa shooting ng movies o tapings sa television, maingat na rin ang mga producer para hindi dapuan ng virus.

Sa showbiz gathering, bawal na muna ang beso-beso, shake hands at kung ano-ano pang medyo magkadikit ang mga katawan at mukha.

Kaya parang mga beauty queen nga ang lahat, na hanggang kaway o wave na lang muna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?