0
views
aniceto-bertiz
By

Bertiz kay PCOO Asec. Kristian Ablan: Idiot!

Sharing is caring!

Pinagre-resign ni ACTS-OFW partylist Rep. Aniceto Bertiz si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Kristian Ablan dahil sa umanoý incompetence at pagpapakalat ng fake news.

Sa press conference sa Kamara, galit na galit na tinawag na “idiot” ni Bertiz si Ablan dahil sa aniyaý malisyosong pag-twist ng kanyang pahayag hinggil sa programa ng gobyerno sa overseas Filipino workers (OFWs).

“The least Mr. Ablan can do is apologize for his irresponsible acts or better yet resign from his post,” diin ni Bertiz.

Nag-ugat ang isyu sa pagkuwestyon ni Bertiz kung bakit hindi kasama sa presentasyon ng economic cluster ang tungkol sa mga plano para sa OFWs gayung merong binabanggit si Pangulong Rodrigo Duterte. Pero pinalabas umano ni Ablan na tinira ni Bertiz ang Presidente na naging mitsa naman para banatan ni Labor secretary Silvestre Bello III ang kongresista.

Inupakan ni Bello si Bertiz na hindi daw pwedeng kinatawan ng mga OFW dahil walang alam sa mga programa ng gobyerno.

Buwelta naman ng mambabatas sa kalihim, ang OFW ID o I-DOLE na ipinagmamalaki ni Bello bilang kanyang No. 1 achievement ay walang silbi.

Sa katunayan, donasyon anya ito ng kanilang grupo sa gobyerno pero pinagkakitaan ng DOLE dahil siningil ang mga OFW ng tig-720 pesos para sa naturang ID.

“Secretary Bello claims that the OFW ID card has great value as a substitute for the overseas employment certificate (OEC). But actually, it is just an ordinary ID card that no machine whatsoever can read. Pampakapal lang ng wallet ng OFW ‘yan,” sabi ni Bertiz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?