79
ABANTE-TNT-phl-chess
By

Bersamina naka-draw, nakisosyo sa unahan

Patuloy ang pamamayagpag ni International Master Paulo Bersamina matapos makisalo sa unahan sa premier Under-20 class ng rapid event sa 19th ASEAN+ Age Group Chess Championships sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City kahapon.

Nakipaghatian si 20-year-old at two-time Olympiad veteran Bersamina kay FM Catur Adi Sagita ng Indonesia upang ilista ang tatlong puntos at saluhan ang tatlong woodpushers matapos ang round four.

Kasama ni Bersamina sa unahan sina Nguyen Huynh Tuan Hai ng Vietnam, Rhenzi Sevillano at IM John Marvin Miciano ng Pilipinas matapos ang fourth round.

Makakalaban ni Bersamina sa round five si No. 10 seed Sevillano.

Humahataw ang mga Pinay chesser sa girls Under-18 division, magkasalo sa top spot sina WFM Allaney Jia Doroy at Glybel Quinanola na hawak ang tig 3.5 points papasok ng round five.

Nasa third to fifth place ang ibang Pinay na sina Genlaiza Pearl Bagorio, Glysen Vic Derotas at Fiona Geeweneth Guirhem na may tig-3 puntos.
Ipinatutupad sa nasabing event ang seven-round swiss system. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?