8

By

Bersamina naghari sa PNP Rapid Chess

Sharing is caring!

NAKIPAGHATIAN ng puntos si International Master Paulo Bersamina kay 13-time Philippine Open champion Grandmaster Rogelio ‘Joey’ Antonio, Jr. sa eighth at final round upang sungkitin ang korona sa katatapos na Chief PNP Cup Rapid Open Chess Tournament sa Philippine National Police Gymnasium sa Camp Crame, Quezon City.

Nakalikom si Bersamina ng 7 points kapareho nina GM Darwin Laylo at NM Jerad Docena subalit matapos ipatupad ang tie-break points ay tinanghal na kampeon ang three-time UAAP Most Valuable Player.

Nagwagi sa last round si Docena kay 2018 Vigan City Palarong Pambansa gold medallist Julius Gonzales habang kinalos ni Laylo si Guadalupe blitz king Sherwin Tiu.

Nakopo ni Bersamina ang top prize P10,000 plus trophy habang inuwi ni second placer Docena ang P7,000 plus trophy, tersero si Laylo na ibinulsa ang P5,000 sa one day event.

Ang mga nakapasok sa top 8 ay sina IM Ronald Dableo, FM Mari Joseph Logizesthai Turqueza, GM Antonio, Jerome Villanueva at Antonio Chavez Jr.

Nagpakitang-gilas din si Woman Fide Master Allanney Jia Doroy matapos sikwatin ang top Lady award.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?