19

By

Bersamin nakisalamuha sa mga kawani ng SC

Ginugol ni Chief Justice Lucas Bersamin ang kanyang mga huling oras sa tungkulin sa pamamagitan ng kanyang pagharap at pakikisalamuha sa mga kawani ng Korte Suprema.

Bukas, Oktubre 18, na kasi nakatakda ang pagbaba sa puwesto ni Bersamin sa edad na 70-anyos, mandatory retirement age ng mga mahistrado ng SC.

Ayon kay Atty. Brian Keith Hosaka, nagpamigay si Bersamin ng libreng pack lunch sa mga empleyado ng SC.

Tuloy-tuloy din ang naging pagtanggap ni Bersamim sa mga bisita at mga kawaning nais siyang makita at makausap.

Nitong Miyerkoles, kasama ni Bersamin ang kanyang pamilya sa SC na nanguna sa pamimigay ng kanyang Coffee Table Book na pinamagatang: “Chief Justice Lucas Bersamin: His Enduring Legacy”.

Tatlo naman ang pasok sa shortlist ng Judicial and Bar Council na maaaring pagpilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa babakantehing posisyon ni Bersamin.

Ito’y sina Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas Bernabe at Andres Reyes Jr.

Si Bersamin ay ang ika-25 na punong mahistrado ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?