101

May 25, 2019 @ 10:32
By

Bernardino, ‘Pinas haharap vs Australia

Tinrabaho ni Afril Bernardino ang siyam na puntos ng Team Pilipinas upang madispatsa ang Sri Lanka, 21-6, sa 4th International Basketball Federation 3×3 Asia Cup 2019 women’s division Pool C games sa Changsha, China.

Pambawi ito ng seeded 10 Nationals sa 8-20 loss kontra seeded 3 Japan sa simula ng 12-team main draw tapos munang walisin ang mga karibal sa qualifying sa nakalipas na Miyerkoles at Huwebes. Ang seeded 18 Samoa, 21-1; ang seeded 14 Taiwan, 16-13; at ang seeded 15 Vanuatu, 22-5.

Toka sa Pinay dribblers sa quarterfinals ang matik nang nasa tourney proper at seeded 8 Australia na ang pagpasok sa Last 8 ay bunsod sa paglusot sa seeded 9 New Zealand, 17-15; at paggulantang sa top seed at host Chinese, 16-14.

Pinuhunan ng PH cagebelles ang malakas na simula at gayunding pagtapos sa laro na pinamumuan ng dating National University Lady Bulldog guard na si Bernardino.

May mahalagang anim na puntos na sinuporta si Clare Castro, samantalang may tig-3 markers sina Kack Danielle Animam at Janine Pontejos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?