2
views

By

Bernardino, PHL 9 alpas vs Thais

Sharing is caring!

Nakabalikwas pa ang Pilipinas mula sa 0-5 pagkakabaon upang matimbog ang malaki ang iniasensong Thailand, 10-6, at makinang na buksan ang pagdedepensa sa titulo noong Lunes sa Baseball Federation of Asia 12th East Asian Baseball Cup 2018 sa Sai Tso Wan Recreation Ground Baseball Field sa Kowloon, Hong Kong.

Inilubog nang malakas na nag-umpisang Thais, binubuo ang koponan ng kalahating miyembro ng Thai-Americans, sa 0-5 ang Filipino batters nang maiskor ni John Daniel Daru ang pangalawa niyang homerun sa dalawang salang – na two-run homer sa 5th inning.

Pero mula sa hit ni PHL Nines skipper, shortstop Aids Bernardino, nagising ang mga Pinoy sa unang run sa sixth frame ng beteranong si Jennald Pareja, at nagpabangis sa kanyang mga kakuwadra upang makapaghuramentado ng 9 runs sa 7th tungo sa come-from-behind win, inilaglag ang Thais sa 1-1 win-loss record.

“Mabagal ang start namin, which shouldn’t happen sa mga susunod namin na games. Pero at least lumabas yun puso ng bawat player na di sila sumuko,” bulalas ni Bernardo, na habang sinusulat ito’y kapaluan ng Nationals ang Singapore sa limang bansa, limang araw na torneo na aabutin sa Hunyo 28. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?