72

Dec 8, 2019 @ 21:38
By

Bernardino, Gilas women, 1 panalo na lang sa ginto!

Lumilinaw ang tsansa sa ginto ng Gilas Pilipinas Women matapos nilang pabagsakin ang Malaysia, 81-75, sa 30th Southeast Asian Games nitong Linggo sa Mall of Asia Arena.

Tinarak ni Janine Pontejos ang isang floater, na sinundan naman ng dalawang free-throw ni Afril Bernardino para mapanatili ang lamang at makuha ang kanilang ikalawang panalo sa tournament.

Dahil sa panalo ay magsisilbing gold medal match ang laban nila kontra sa Thailand sa Martes.

Nagsalpak si Bernardino ng 18 points at 19 rebounds para pangunahan ang Gilas squad.

Habang ang four-time UAAP MVP na si Jack Animam ay kumamada ng 14 points at 11 boards.

“They did not give up. I’m proud of them,” ayon kay coach Pat Aquino.
Samantala, nawalan nang saysay ang 18 points at four rebounds ni Fook Yee Yap para sa Malaysia, na walang panalo sa dalawang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?