270
ABANTE DAVAO CITY VICE MAYOR BERNARD AL AG
Jan 11, 2018 @ 12:01

Bernard Al-ag, bagong Davao City vice mayor

Opisyal nang bagong Davao City vice mayor si Bernard Al-ag matapos manumpa sa City Mayor’s Office.

Pinangunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang panunumpa na sinaksihan ng asawa ni Al-ag na si Cherry Faye, at ng kanilang mga anak.

Ayon kay Al-ag, handa na siya na gampanan ang tungkuling iniwan ni Paolo Duterte na nag-resign noong Pasko dahil umano sa problema sa pamilya.

“Since it is official, we are ready to work. We will make sure that the City Council will do its mandate,” aniya.

Dagdag pa niya, bilang bise alkalde ay susuportahan niya ang 10-point agenda ng Duterte-Carpio.

Nakatakda rin siyang makipagkita sa staff ni Paolo at kakausapin kung saan itatalaga ang mga ito.

Ang pagkaka-appoint bilang vice mayor ni Councilor Al-ag ay salig sa Section 44 of R.A. 7160 (Local Government Code of 1991).

Siya ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto bilang konsehal noong 2016 elections at pinangalanang susunod sa vice mayoral post.

Tubong Toril, Davao City si Al-ag, isa siyang propesyunal na optometrist at unang bise alkalde na hindi nagmula sa angkan ng mga Duterte matapos ang pitong taon, sa ulat ng SunStar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?