113

Apr 23, 2021 @ 12:53
By

Bernadette Sembrano sapul ng COVID

Isinapubliko ng Pinay reporter na si Bernadette Sembrano na dinapuan siya ng coronavirus disease.

Buti aniya at nasailalim agad siya sa COVID-19 test at nakapag-isolate agad.

“I just wanted to inform you that I tested positive for COVID. Nagulat din po ako kasi wala akong nararamdaman at all. In fact, I feel healthy, wala pong symptoms,” sey ng ‘TV Patrol’ anchor sa Instagram, Abril 22.

“Pero meron kaming mandatory RT-PCR tests sa work so when it came out, nawindang din ako,” lahad niya pa.

Pinaalalahanan ni Sembrano ang mga Pinoy ukol sa panganib na dala ng COVID-19.

“Anyway, I am coming out para lang ma-enlighten ang marami sa atin. Kadalasan, ang iniisip natin pag COVID, ‘yun pong mga pasyente na mahina ang katawan na may tubo, nangangayayat, inuubo,” ayon sa journalist-musikero.

“Pero marami po ang kagaya ko na asymptomatic. Asymptomatic, na feeling mo, wala kayong sakit, wala kayong COVID. At patuloy po tayong naghahalubilo kasama ang ibang tao.”

“‘Yun iyong nakakatakot, kasi we can be endangering the lives of the people around us and the lives of our loved ones,” aniya pa. “So, please practice the health protocols ’cause we are doing it not only to protect ourselves; we’re doing it to protect our loved ones.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?