puyat1
By

Berna Puyat bilang Tourism secretary, garantisadong lulusot sa CA – Zubiri

Sharing is caring!

Sigurado umano na magiging madali ang paglusot ni bagong Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat sa Commission on Appointments (CA).

Sinabi ni Senador Juan Miguel Zubiri na tiyak na wala ritong magiging isyu dahil malinis ang public service record ni Puyat.

Hindi umano rito nagkaroon ng anumang kontrobersya sa matagal na panunungkulan sa Department of Agriculture (DA).

Malaking puntos din umano para kay Puyat na bata pa ito kaya madadala nito sa mga kampanya ng Department of Tourism (DOT) ang pananaw ng mga millennial.

Makakatulong din umano rito pagdating sa CA ang pagiging anak ni dating Senador Alberto Romulo na may outstanding record din sa pagiging mambabatas noon.

Personal naman umanong matitindigan ni Zubiri ang pagiging mabuting tao ni Puyat dahil malapit ang kanilang pamilya at secondary sponsor pa sa kaniyang kasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?