94

By

Bereavement leave para sa manggagawa, umusad na sa Kamara

Isinalang na sa joint hearing ng House Committees on Labor and Employment at Civil Service and Professional Regulation ang mga panukalang batas na naglalayong bigyan ng bereavement leave ang mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor.

Apat ang naihaing panukala tungkol dito kung saan tatlo ang nagsusulong ng sampung araw na bereavement leave with pay, habang isa naman ang nagtutulak ng limang araw lamang.

‘With pay’ o may bayad ang ganitong uri ng leave na gustong igawad ng mga kongresista sa mga manggagawa na mamamatayan ng miyembro ng immediate family.

Nagulat si Deputy Speaker Mylene Garcia-Albano, isa sa mga may akda ng panukala na wala palang Bereavement Leave Law dito sa Pilipinas.

“Having suffered the loss of a father, I really could see the sad effects of the death of a family member. I was quite pleased when a friend approached me and suggested that I file a bill such as this one,” sabi ni Garcia-Albano.

Ayon naman sa isa pang may-akda ng panukala na si Bulacan Rep. Lorna Silverio, bagama’t meron nang ibang leave credits na ipinagkakaloob sa mga manggagawa para sa family events gaya ng vacation leave, metrnity at paternity leaves, kailangan anyang bigyan rin ng puwang ang leave para sa pagdadalamhati ng isang manggagawang nawalan ng mahal sa buhay.

“It is quite ironic that mourning the loss of a loved one is not even in the leave credit list that an employee can avail of when needed,” ani Silverio.

“It is stated in some clinical studies that the ability to manage your emotions and mental stress has a direct link to one’s performance in his work place. Given that circumstance, it is clear that a grieving employee’s mindset is not on the right track and he or she cannot achieve the desired output,” paliwanag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?