518

Mar 6, 2020 @ 13:17
By

Bente para ‘di magsumbong: Tricycle driver nanghalay ng 6-anyos

Himas-rehas ang isang tricycle driver matapos gahasain ang anim na taon gulang na batang babae at bigyan ito ng P20 para hindi magsumbong sa Barangay Poblacion, Cauayan City Isabela, ayon sa Cauayan City Police Station (CCPS).

Kinilala ng CCPS ang suspek sa itinagong pangalang “Asiong”, may asawa, ng nasabing barangay.

Samantala, ang biktima ay kinilala lamang sa pangalang “Angel”, 6, kapitbahay ng suspek.

Ayon kay CCPS Women and Children Protection Desk (WCPD) commander P/Capt. Esem Galiza, unang ginahasa ni Asiong ang biktima noong December 2019.

Sinabi ni Galiza, ayon sa bata, hinila ng tricycle driver sa loob ng bahay nito at pinaghahawakan sa kanyang dibdib at ipinasok ang daliri sa maselang bahagi ng katawan nito.

Matapos, binigyan ng suspek ang biktima ng P20 upang hindi magsumbong sa mga magulang.

Sa imbestigasyon, nasundan ang panghahalay ng suspek sa bata noong nakaraang buwan ng Pebrero at ipinasok na ng suspek ang ari nito sa maselang bahagi ng katawan ng bata.

Ayon kay Galiza, ngayong Marso ay nagsumbong ang bata sa kanyang magulang na agad sinamahan sa himpilan ng CCPS.

Agad namang ipinasuri ang naturang bata sa doctor, na nagpositibo itong nagahasa ang biktima.

Sinampahan ng two counts ng statutory rape ang suspek na nakakulong sa CCPS detention cell at walang piyansa para sa kanyang temporaryong paglaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?